Gabby Concepcion questions contract with manager Rose Flaminiano
Umiinit na ng husto ang sigalot sa pagitan nina Gabby Concepcion at ng manager niyang si Mrs. Rose Flaminiano. Inilabas na sa Entertainment Live! kahapon ang pagsisiwalat ng mga hinaing at pagtatanong ni Gabby sa nilalaman ng kanyang kontrata sa kanyang manager.
Sa pamamagitan ng abugado ni Gabby na si Atty. Raymund Fortun, ipinaalam nila sa Entertainment Live! ang pagsampa ng reklamo ng kanyang kliyente, ang pagpapadala nila ng sulat kay Mrs. Flaminiano upang ipawalang-bisa ang managerial contract na pinirmahan ng aktor sa kanya.
May mga pagdududa diumano si Gabby na nakapaloob sa kanyang five-year contract na pinirmahan kay Mrs. Flamianiano bilang manager niya.
Una na rito, ang petsang nakalagay kung kailan nagsimula at matatapos ang pagma-manage sa kanya ni Mrs. Flaminiano.
Ayon sa abugado ni Gabby, hindi raw typewritten at halatang kinamay lang ang pagsulat ng petsa sa kontrata kung hanggang kailan ang tatagal ang pamamahala ni Mrs. Flaminiano sa showbiz career ng aktor.
Bukod dito, nadiskubre raw ni Gabby ang ‘di pag-i-inform sa kanya ng tamang talent fee na nakukuha niya sa kanyang mga nilalabasan. Nais lamang daw ng aktor na mabigyang-linaw ang lahat ng mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan tungkol sa kontrata niya kay Mrs. Flaminiano.
Nu’ng Lunes, September 8, nakatakda raw sanang magharap sina Mrs. Flaminiano at Gabby sa tulong ng veteran actress na si Daisy Romualdez. Pero dahil sa lakas ng ulan nung Lunes, hindi na nakarating agad ng Maynila si Mrs. Flaminiano na nanggaling pa diumano sa Tarlac.
Ayon naman sa aming source, natanggap ni Mrs. Flaminiano ang sulat mula sa abugado ni Gabby nung Huwebes.
Mamaya sa The Buzz live na magsasalita si Gabby sa isang exclusive tell-all interview sa host ng show na si Boy Abunda pagkatapos ng Your Song sa ABS-CBN
JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal
September 18th, 2008 at 8:26 pm
hi there.
blog hoppin’
care to xlink?
you have a great blog.
thanks.
my url,
http://innerphets.blogspot.com
http://theroyalspeaker.blogspot.com
think Kyaw!